𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗚𝗥𝗜𝗗, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗬𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦, 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Muling isinailalim sa yellow alert status ang Luzon Grid ngayong araw mula kaninang alas tres hanggang alas kwatro ng hapon kung saan sa ilalim nito, ang kabuuang reserba ng kuryente ay mababa o hindi sapat upang maabot ang contingency requirement ng transmission grid.

Sa naging abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa labinlimang planta ang nagpapatupad ng force outage at sa kasalukuyan, ang available capacity ng grid ay nasa 15,167 megawatts kumpara sa peak demand na nasa 13,714 megawatts.

Samantala, sa iba pang anunsyo ng NGCP, kabilang ang lalawigan ng Pangasinan at La Union sa makakaranas ng scheduled power interruption sa darating na May 12 mula alas singko ng hanggang alas nuebe ng umaga partikular sa Sison substation dahilan ang isasagawang hotspot correction at maintenance work sa kahabaan ng Bauang-San Fabian 69kV line.

Kaugnay sa usaping kuryente at hamong nararanasan ngayon hinggil dito, patuloy na isinusulong ng tanggapan ng ikalawang kongresista sa Pangasinan ang pagtataguyod ng nuclear power plant na inaasahang makatutulong sa problemang kuryente sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments