Muling nagbigay ng paalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management office sa mas mahigpit pang paghahanda ng publiko kaugnay sa madalas na paglindol na naitatala ngayon sa ibat ibat bahagi ng bansa.
Dapat na lagi umanong handa ang lahat sakali man na maranasan ang ganitong klase ng natural disaster.
Nagsasagawa rin ng community-based drill ang PDRRMO at bumibisita sa mga establishments, paaralan at mga barangay, para magsagawa at i-practice ang earthquake drill.
Nagbibigay rin sila ng sapat na kaalaman sa kanilang mga pinupuntahang komunidad na may kinalaman sa paghahanda at iba pang dapat na malaman ukol sa lindol.
Samantala, nagkakaroon naman ng regular structural inspection ang awtoridad sa mga gusali sa Dagupan City kung ang mga ito ba ay ligtas pa at matibay pa para gamitin.
Matatandaan na isa sa mga pinakamalakas na paglindol na naranasan sa lalawigan ay noong 1990 kung saan tinaguriang “killer earthquake”. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨