𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡’𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔

Pinaplano na ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang rehabilitasyon ng kanilang Children’s Park para maayos ang paligid maging ang ilang playground equipment na pinaglalaruan ng mga bata.

Nito lamang ay nagsagawa ng isang ocular inspection ang alkalde ng naturang bayan kasama ang ilang kawani ng Engineering Department ng munisipyo para mapagplanuhan na ang rehabilitation program sa lugar.

Inaasahan na matatapos ang rehabilitation program na ito ngayon mismong taon.

Ang pinapalano naman na theme para sa naturang palaruan ng mga bata ay mala Disney inspired.

Samantala, mula sa SGLG incentive fund naman ang budget na gagamitin para sa rehabilitasyon ng nasabing parke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments