𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗖𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚 𝗔𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan ang magkakasunod na mataas na heat indices sa nakalipas lamang na linggo. Kadalasang naglalaro ang naitatalang heat index mula 35 hanggang 40 degree Celsius, na pasok sa kategoryang Extreme Caution.

Patuloy na pinaalalahanan ang publiko ang ilang hakbang upang makaiwas sa bantang dulot ng maalinsangang panahon sa kalusugan.

Maaaring makaranas ng heat cramps, heat exhaustion maging heat stroke ngayong nararanasan ang mainit na panahon lalo na ang mga taong mayroon nang maintenance.

Paalala pa ng health authorities ang ilan pang health related cases na maaaring naglipana ngayong papasok na muli ang summer season o panahon ng tag-init, kasabay pa ng nararanasang El Nino Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments