𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗣𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Umaapela ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa mamamayan na maging mapagmatyag lalo na kapag dumadaan sa mga alanganing lugar sa alanganing oras matapos maganap ang karumal dumal na krimen na kinasawian ng isang estudyante.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Mayor Leopoldo Bataoil, pinaalala nito ang vigilance at security consciousness sa mamamayan ng Lingayen lalong lalo na sa mga estudyante.

Kaugnay nito, binigyang diin ni PLTCOL Vicente Castor ang Officer-in-Charge ng Lingayen Police Station, na walang serial killer o serial rapist sa bayan. Ang kasalukuyang karumal dumal na krimen ng rape na naitala sa bayan ay isa lamang isolated case. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments