
Cauayan City – Arestado ang maglive-in partner matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Mallig Municipal Police Station sa Brgy. Maligaya, Mallig, Isabela nitong Pebrero 26, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas βTor,β 48 anyos, at ang kanyang live-in partner na si alyas βJosie,β 49 anyos, kapwa residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang piraso ng tig-β±500 bill na ginamit bilang buy-bust at boodle money, dalawang piraso ng tig-β±1,000 boodle money, apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.8 gramo at tinatayang halagang β±5,440, isang empty plastic sachet, lighter, β±613 cash, at isang motorsiklo.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang mga suspek sa Mallig Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Source: PNP Isabela
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










