𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay na nang matagpuan ang isang 45 anyos na lalaki sa Brgy. Dumpay, Basista matapos na unang maipaulat na nawawala.

Sa inisyal na imbestigasyon, ipinagbigay-alam ng kapatid na babae ng biktima sa himpilan ng Basista Police Station na nawawala ang kanyang kapatid pagkatapos nitong magpaalam na kukuha lang sana ng damo na ipapakain sa kaniyang mga alagang baka at kambing. Hindi na nakabalik ang biktima na inakala ng mga kaanak na natulog na sa kanilang family house.

Sa kasamaang palad, nakita mismo ng isa pang kapatid na lalake ang bangkay ng biktima sa fishpond malapit sa kanilang bahay. Pagkalunod ang nakikitang dahilan ng pagkamatay nito at lumalabas na nakainom ang biktima bago umalis ng bahay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments