
Nakakulong na sa pasilidad ng Southern Police District (SPD) ang dalawang high-value individuals na nahulihan ng mahigit P1-M na halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Taguig City.
Kinilala ng SPD ang mga suspek na sina alyas Miko, 29 years old at alyas Albert, 49 years old na parehong newly identified high-value targets at naaresto sa harap ng Camella Ellisande, Bambang Nipeles St., Brgy. Santa Anna, Taguig City.
Sa operasyon na isinagawa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-SPD), narekober ng mga otoridad ang 50 grams ng shabu, buy-bust money at blue Oppo Android phone mula kay “Miko”.
Nang kapkapan si alyas Albert, nahuha rin sa kanya ang karagdagang 100 grams ng shabu na nagkakahalaga lahat ng P1,020,000.
Inihahanda ng ng SPD ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek.










