𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗠𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝟯𝟬𝟬 𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead on arrival sa pagamutan ang mag-amang magsasaka matapos salpukin ng L300 van ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Coliling, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Hitomo, 58 anyos at anak nitong si Raymart Hitomo, 26 anyos.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay San Carlos Police Station Operation Officer PCapt. Aldrin Tamayo, nag overtake umano ang van at nasalpok ang sinasakyan ng mag-ama.

Pauwi na sana ang mag-ama sa Barangay Magtaking sa lungsod nang mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, may sapat na ilaw umano ang motorsiklo ngunit hindi nakasuot ng helmet at reflectorized vest kaya’t hindi ito agad na nakita ng driver ng van.

Payo ng awtoridad ang striktong pagsunod sa ordinansang pagsusuot ng reflectorized vest tuwing gabi upang maiwasan ang aksidente sa mga kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments