Sen. Nancy Binay, naghahanda na sa pagtakbo bilang mayor ng Makati

Naghahanda na si Senator Nancy Binay sa posibleng pagtakbo nito sa Lungsod ng Makati bilang alkalde sa nalalapit na 2025 election.

Ayon kay Binay, 70% na siyang desidido na tumakbo para sa pagka-alkalde sa naturang lungsod.

Magkagayunman, magkakatapatan sa halalan sa lungsod ng Makati si Sen. Nancy at si Cong. Luis Campos na asawa ng kanyang kapatid na si Makati Mayor Abigail Binay.


Umaasa si Sen. Nancy na magkakaayos sila ni Mayor Abby at magkakausap din ng bayaw na si Campos.

Aminado ang senadora na hindi maganda na magkakabangga silang pamilya sa halalan sa Makati na sinimulan ng kanyang amang si Jejomar Binay.

Handa aniya siyang makipagusap kay Campos para hindi na dalawa silang tatakbo sa local election pero anuman ang maging desisyon nakahanda na ang kampo ng senadora sa darating na halalan.

Facebook Comments