𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔; 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔

Nag-umpisa na ang mahigpit na pagbabantay sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag ng Lokal na pamahalaan nito lalo at ngayong linggo na ang simula ng Holy Week o Semana Santa.

Iba’t ibang ahensya ng lokal na gobyerno ang tulong tulong ngayon sa pagbabantay sa naturang simbahan kung saan nitong linggo, Palm Sunday, naramdaman ang dagsa ng mga deboto at mga bumisita para sadyang dumalo ng misa sa simbahan.

May kampo ng mga sundalo o army na nakapwesto sa simbahan para mag-monitor at magbantay sa seguridad ng mga bumibisita.

May mga kawani rin ng Rural Health Unit kung saan nakapwesto naman sa harap at likod ng simbahan para siguruhing makapagbibigay ng agarang aksyon sa mga bibisita at mga debotong nakakaranas ng problema pagdating sa kalusugan tulad ng pagkahilo, heat exhaustion, o ano pa mang aksidenteng maaaring mangyari.

Magtutuloy-tuloy ang mahigpit na pagbabantay na ito hanggang sa matapos ang holy week.

Samantala, naramdaman na ang dagsa ng mga deboting bumibisita simula nitong linggo kung saan ginunita ang Palm Sunday. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments