𝗣𝟱𝟬𝟬 𝗗𝗜𝗦𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡-𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥𝗦, 𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗔

Kasado na kahapon, March 25 ang pagpapatupad ng karagdagang diskwento sa ilang mga Basic Necessities at Prime Commodities (BNPC) na inilaan para sa mga Senior Citizens at mga Persons with Disabilities o PWDs.

Ito ay matapos lagdaan ang isang joint administrative order ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Energy (DOE) nito lamang March 21 para sa pagpapatupad ng 5% special discount sa regular retail price ng ilang grocery items.

Mula sa P65 na lingguhang discount ay magiging P125 pesos na ito, nasa 500 na limitasyong diskwento sa isang buong buwan sa pagbili ng grocery items at iba pang prime commodities tulad ng bigas, itlog, tinapay, at iba pa.

Para ma-avail ang nasabing discount, kinakailangan lamang na dalhin ang mga Senior/PWD ID maging ang booklet.

Samantala, ilang mga senior citizens din sa lalawigan ng Pangasinan ay ikinatuwa ang diskwento lalo na raw ngayong nagtataasan ang mga bilihin sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments