𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Cauayan City – Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng lungsod ng Cauayan 5 araw na ang nakakalipas simula ng paghagupit na bagyong Nika.

Sa pinakahuling update ng Isabela Electric Cooperative 1, 22 pa lamang mula sa 65 barangay ang mayroong suplay ng kuryente kung saan 43 barangay pa ang nananatiling walang suplay.

Samantala sa inilabas namang anunsyo ng kooperatiba, mayroon nang ilang mga Member-Consumer ang lumalapit na sa mga private electricians upang mas mabilis na maibalik ang suplay ng kuryente.


Subalit paalala ng kooperatiba na wala silang anumang pananagutan sakali man na magkaroon ng pinsala, aberya, o disgraya kaugnay sa gagawing pagsasaayos ng mga private electricians.

Patuloy naman na hinihiling ng ISELCO-I ang pasensya at pang-unawa ng mga konsyumer dahil ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maibalik na ang suplay ng kuryente sa mag apektadong lugar sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments