
Cauayan City – Magsasagawa ng malawakang Job Fair ang Public Employment and Service Office bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.
Sa inilabas na anunsyo ng PESO-Isabela, isasagawa ang job fair sa darating na ika-20 ng Enero sa sa Queen Isabela Park, Capitol Compound sa lungsod ng Ilagan.
Para sa mga job seekers na nais makiisa sa aktibidad at maghanap ng trabaho, pinapayuhan na magdala ng updated resume, photocopy ng kanilang diploma, at iba pang mahahalagang dokumento na kailangan sa pag-aapply ng trabaho.
Maliban sa mga employers mula dito sa lalawigan at ibang panig ng bansa, may iniaalok ding trabaho mula sa ibang bansa para sa mga nagnanais maging OFW.
Samantala, tampok rin sa Job Fair Activity ang One-stop-shop ng National Government Agencies katulad ng PNP, BIR, Pag-IBIG Fund, PSA, Philhealth, NBI, SSS, at TESDA para magbigay serbisyo sa mga aplikante.
Inaanyayahan naman ang lahat ng mga Isabeleño Job Seekers na samantalahin ang pagkakataong ito upang makahanap ng trabaho.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










