𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗩𝗢𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

 

Cauayan City – Kasalukuyan na ang ginagawang pag-aaral at pagpo-proseso ng mga kinakailangang mga dokumento para sa Mall Voting Program ng COMELEC Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer ng COMELEC Cauayan, sinabi nito na dati ay sa Cauayan North Central Cauayan ang lokasyon ng voting center ng Brgy. District 2 ngunit ngayon ay plano itong ilipat SM City Cauayan.

Ayon kay Atty. Johanna Vallejo, bagama’t metikoloso ang pagsasaayos ng dokumento para sa nabanggit na programa, ikinatuwa nito na pumayag na ang mga political parties at signatories para rito.


Kasalukuyan na rin nilang pino-proseso ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng COMELEC at SM City Cauayan, ganundin sa mga political parties upang magsilbing patunay na sila ay pumapayag na ilipat ang voting center ng nabanggit na Barangay sa SM City Cauayan.

Facebook Comments