
Cauayan City – Inanunsyo ng Department of Tourism – Rehiyon 2 na kanselado ang Cebu Pacific Flight 5J504 mula Manila patungong Tuguegarao at return service na Flight 5J505 mula Pebrero 15 hanggang Pebrero 28, 2026.
Ayon sa airline, ang pagkansela ay sanhi ng kinakailangang maintenance at technical check ng eroplano.
Pinaalalahanan ang mga pasahero na may naka-book na tiket na makipag-ugnayan sa Cebu Pacific upang maayos ang rebooking, refund, o ibang alternatibong biyahe.
Binibigyang-diin ng airline na ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan at maayos na operasyon.
Pinapayuhan din ang mga biyahero na laging tingnan ang flight status bago pumunta sa paliparan at maging handa sa posibleng pagbabago ng schedule.
Photo: Department of Tourism – Region 2 Office
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










