𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Ipinahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mas mataas na heat index sa mga susunod pang linggo ang aasahan.

Ayon sa PAGASA Climatologist na si Dr. John Manalo, ang mga lugar na malapit at napapalibutan ng katubigan ay may mas mataas ang tsansang magkaroon ng higher humidity dahilan ang pagtatala ng mas mataas na heat index.

Ang Dagupan City, muling nakapagtala ng may pinakamataas na heat index sa buong bansa ngayong araw, April 16 na pumalo sa 46°C habang ang dalawampung lugar pa ay kabilang sa ilalim ng Danger Category.

Ilang lugar na rin sa bansa ang nakapagtala ng heat-related illnesses tulad ng heat stroke at heat exhaustion.

Samantala, mas pinag-iigting ngayong ang information dissemination ng awtoridad kaugnay sa paglilimita ng mga public physical activities sa pagitan ng oras na alas diyes ng umaga at alas kwatro ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments