𝗠𝗘𝗔𝗧 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗢𝗟𝗗𝗔𝗣 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧

Umaabot sa dalawang Daang libong piso ang halaga ng natangay na pera ng mga holdaper sa isang meat vendor sa bayan ng San Nicolas.

Ang biktima ay nakilalang si Diana Rodillas, meat vendor sa mismong San Nicolas Public Market.

Naganap ang panghoholdap pasado ala-una ng hapon habang nasa kanyang pwesto ang biktima nang ito ay lapitan ng Isang lalaki at agad itong tinutukan ng baril at sinabihang ibigay ang kanyang bag.

Sa takot ay naibigay ng biktima ang bag na naglalaman ng ₱200,000 habang nagpaputok ng hawak na baril ang suspek at agad na tumakas sa ng isang motor na minamaneho ng isa pang lalaki.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng mga suspek Habang nakakuha ng Isang kapsula ng bala ng Caliber 45 Pistol sa lugar kung saan nagpaputok ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments