𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗬𝗔

Sumalubong ng pasko sa pagamutan ang isang singkwenta anyos na lalaki matapos itong tagain at saksakin pa ng kanyang mismong kuya sa San Carlos City.

Naganap ang pananaga pasado alas diyes ng umaga nang pumunta ang biktima sa lugar ng kanyang kuya upang tignan ang kanyang minanang bahagi ng lupa nang ito ay komprontahin ng kanyang kuya na sa mga sandaling iyon ay sinasabing lasing.

Umabot sa mainitang pagtatalo ang nangyari hanggang sa kumuha ng ice pick ang suspect at pinagsasaksak ang nakababatang kapatid habang pinagtataga din nito ng isang maliit na itak ang nakababatang kapatid.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan habang nahuli ng mga rumespondeng pulis ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments