Aktibong nakilahok ang mga barangay sa Mangaldan sa inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na KALINISAN (Kalinga at Inisiyatibo para sa Malinis na Bayan) Program ngayong Sabado, Enero 6, 2024 kung saan ginanap ang sabayang paglilinis sa kani-kanilang komunidad.
Ang naturang selebrasyon ay parte ng isinusulong ng pambansang pamahalaan na Community Development Day, kung saan nilalayon nilang mamulat ang bawat mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan.
Samantala, katuwang ng lokal na pamahalaan ang iba’t-ibang buong barangay council, Sangguniang Kabataan (SK) council, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Service Point Officers (BSPOs), Barangay Nutrition Scholars (BNS) at mga volunteers ng barangay gayundin ang mga 4Ps beneficiaries.
Gayunpaman, ilang personalidad din ang nagbigay-suporta sa ceremonial kick off , ang ilan ay sina Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Marilyn B. Laguipo, Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) Pedrito Rivera at ilan pang mga kawani mula sa Mangaldan Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨