𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗟𝗘𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔

Pinaghahandaan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Bayambang katuwang ang Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts o BMCCA para sa kanilang nalalapit na Pistay Baley 2024.

Nito lamang, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kawani ng LGU at ng BMCCA para sa pagpaplano sa mga aktibidad na maaaring isagawa sa pagdiriwang ng pistay baley 2024.

Tinalakay sa ginanap na pagpupulong ang mga posibleng aktibidad at maging ang line up nito para sa mas maayos na selebrasyon ng kapistahan sa bayan.

Isa sa mga aktibidad na pinag-usapan, aniya, ang limang tradisyunal na aktibidad sa fiesta week at ang magiging tema sa taong ito.

Samantala, nakasama sa naturang pagpupulong para sa pista ang alakalde, bise alkalde at mga konsehal maging mga department head at representatives, agency head representatives, at mga miyembro ng Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments