Cauayan City – Nagsimula ng magsidagsaan sa mga terminals ang mga biyahero na paalis at pauwi ng probinsya matapos ang paggunita ng Undas ngayong taon.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Ginoong Edwin Ramirez, dispatcher sa isang bus terminal sa lungsod ng Cauayan, nagsimula ang pagdagsa ng mga biyahero kahapon, ikatlong araw ng Nobyembre.
Aniya, dahil sa dami ng pasahero ay nagdagdag sila ng extra trips nang sa ganon ay ma-accomodate ang lahat ng pasahero na aalis at uuwi dito sa probinsya ng Isabela.
Sinabi nito na hindi na maiiwasan na may mga pasahero ang hindi makakasakay dahil bukod sa dami ng bilang ng mga biyahero ay marami sa mga ito ang nag-advance booking na 15 araw na ang nakakalipas.
Samantala, upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero bawat pampasaherong bus at mayroong CCTV Cameras at may mga umiikot rin na field personnels upang imonitor ang sitwasyon ng mga pasahero.