Inaasahan ngayon ng mga consumers sa Dagupan City na hindi na muling mas tataas pa ang presyuhan sa bigas pagkatapos ng onti-onti nang nararanasang pagsipa sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin kasunod ng pagdiriwang ng holiday season.
Nananatiling mataas ang kada kilong presyuhan sa bigas kung saan nasa singkwenta pesos at mahigit ang may magandang kalidad habang nasa 47 hanggang 48 pesos naman ang kada kilo ng regular milled rice.
Ayon sa ilang rice retailers, maging sila ay nababahala sa maaaring pagsipa sa presyo nito sa mga susunod na araw dahil kawawa rin daw talaga ang mga consumers kung hindi makaavail ang mga ito dahil sa high price ng produkto.
Dagdag pa ng mga ito, na gusto man daw nilang babaan ay kanila ring ikakalugi dahil mataas ang farm inputs.
Sa mga pampublikong pamilihan, ramdam na ng mga mamimili ang paggalaw sa presyo ng mga karne ng baboy at manok.
May pagtaas na ng nasa sampu hanggang bente pesos sa kada kilo ng karne habang sa manok, ilang mga vendors ay nagtaas na rin ng nasa lima hanggang sampung piso sa kada kilo rin nito.
Samantala, nananatili ring mataas ang mga SRP ng noche Buena items habang sa ngayon ay hindi pa dagsa masyado ang prutas section sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments