𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗖𝗔𝗦𝗘𝗦

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay sa nananatiling banta ng COVID-19 at kasunod ng pagkakatala ng mga bagong kaso ng naturang sakit sa lungsod.

Ayon sa datos ng LGU Dagupan, mula January 1 hanggang May 21, 2024, naitala ang nasa tatlumpu’t-tatlong kaso ng COVID19 kung saan nasa labinsiyam ay ang bagong kaso nito.

Matatandaan na nauna nang iminungkahi sa Sangguniang Panlungsod ang direktibang nag-uutos sa striktong pagsusuot ng face mask partikular na ang mga empleyado ng lokal na gobyerno upang maiwasan ang anumang hawaan ng sakit.

Alinsunod dito, epektibo ngayon ang “No Face Mask, No Entry” sa government offices.

Samantala, patuloy na nakaantabay maging ang Department of Health Ilocos Region sa sitwasyon ng COVID-19 cases sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments