𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Umaabot sa halos kalahating milyong piso ang halaga ng shabu na nakumpiska sa apat na katao sa ikinasang buy bust operation sa Alaminos City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Maria Rabayo, Edgar Osorio, Edgar Pagaran at Justine Pagaran.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas diyes ng gabi sa Brgy Pogo at nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng pitumpung gramo at nagkakahalaga ng ₱476k Kasama pa ang Isang caliber 45 dalawang magazine nito at pitong baka.

Inihahanda na ngayon ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments