𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗭𝗔𝗥𝗘𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢

Sa darating na ika-9 ng Enero ngayong taon ang araw ng paggunita sa kapistahan ng Poong Nazareno sa bansa ngunit ang ibang simbahan sa Pangasinan ay maaga nang nagselebra ng kapistahan nito.

Gaya na lamang ng simbahan na matatagpuan sa Barangay Alacan, bayan ng Malasiqui na Jesus the Nazarene Pastoral Station – Alacan/Guilig ay kanila nang isinelebra ang kapistahan nito.

Dito, una munang isinagawa ang prosisyon at sinundan ng misa sa pangunguna ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang fiesta mass kung saan nakiisa ang daan-daang mga deboto ng simbahan.

Bahagi ng homily ni Bishop Socrates Villegas kung saan nga ba si Hesus, aniya, nasa mahihina umano si Hesus, si Hesus din aniya ay kasama ng kanyang ina, at ipinaalala pa nito na kapag nakilala na si Hesus ay dapat handang magbago ang sinuman para sa kanya.

Samantala, sa Quiapo, Manila, puspusan na ang preparasyon para naman sa paggunita ng kapistahan ng Santo o ang tinatawag na Traslacion ngayong 2024 dahil inaasahang nasa dalawang milyong deboto ang makikiisa rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments