Kinilala ng provincial government ang mga exhibitors na nakibahagi sa pagsasagawa ng 2024 Pangasinan Agri-Tourism and Trade Expo.
Nasa labing dalawang exhibitors mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod ang kinilala bilang aktibong pakikibahagi sa naturang kaganapan.
Nagbahagi ng mga produktong gawang lokal sa naturang trade and expo ang mga bayan at lungsod ng Alaminos city, Calasiao, Pozorrubio, Lingayen, Labrador, Bugallon, Natividad, Mangatarem, Binalonan, San carlos city, Bani, at Alcala.
Maging mga natatanging exhibitors ay pinarangalan tulad ng LGU Alaminos City na nagkamit ng kampeon sa Best Dressed Award LGU Category.
Kaugnay nito, hinimok naman ng gobernador ng lalawigan ang mga empleyado at mga Pangasinense na makisaya pa rin sa iba pang aktibidad na nakalatag para sa Pista’y Dayat 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨