𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗡𝗔

Patuloy ang panghihikayat ng Commission on Electionso COMELEC Pangasinan sa mga hindi pa nakakapagpa-rehistro para makapagboto na magparehistro na.

Mahalaga na malaman at maging maalam umano ang Pilipino pagdating sa kahalagahan ng pagboto at maging ang importansya ng bawat isa sa pagsasagawa ng eleksyon.

Ayon kay COMELEC Pangasinan provincial election supervisor Atty. Marino Salas, isa ang karapatan sa pagboto ng itatalagang opisyal sa gobyerno sa pinakamalakas na kakayahan ng isang indibidwal; mayaman man o mahirap.

Kaya naman tuloy-tuloy ang panghihikayat ngayon ng tanggapan sa mga Pangasinenseng hindi pa nakakapagparehistro na makibahagi at magparehistro na nang sa gayon ay makapagpalawig pa ng kakayahan pagdating sa pamamalakad sa gobyerno.

Samantala, nasa 57,284 naman na indibidwal sa Pangasinan ang naserbisyuhan sa isinasagawang voter registration ng tanggapan mula February 12 hanggang May 3, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments