𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Patuloy na isinasagawa ngayon ng mga residente sa bayan ng Calasiao ang ibayong pagtitipid ng tubig dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Daing kasi, diumano, ng ilang mga residente sa bayan ng Calasiao ang mahinang suplay ng tubig. Ngunit, nilinaw din naman ng WaterFor Calasiao na dahil ito sa pagtaas ng demand ngayong nararanasan pa rin ang epekto ng tag-init. Gayundin, apektado ang water pressure tuwing nagkakaroon ng power interruption.

Dagdag pa ng pamunuan ng WaterFor Calasiao na sila ay nakatutok sa maintenance ng kanilang mga pumping stations at patuloy rin ang isinasagawang pagsasaayos sa mga linya ng tubig na kanilang sinusuplayan.

Sa kabilang banda, nakararanas din ng bahagyang panunuyo ang ilang mga poso sa ilang bahagi ng bayan, kaya’t problemado ang ilang mga residente.

Kaya naman, bilang tugon todo-tipid ang mga residente ngayon upang hindi sila diumano maperwisyo ngayong patuloy na nararanasan ang mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments