𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Mahigpit nang binabantayan ang nga kakalsadahan sa Dagupan City bilang bahagi ng Bangusan Street Party.

Binabantayan lalo ang mga bahagi kung saan pansamantala munang sinara para sa naturang kaganapan nang sa gayon ay maiwasan ang aberya at maging mga matitigas ang ulong motorista.

Simula pa kahapon nang simulang isara ang ilang bahagi ng kalsada partikular sa De Venecia Rd. para sa agarang ipaalam na rin sa mga motorista na hindi muna ito pansamantalang madadaanan.

Nakahanda rin ng POSO Dagupan kung saan may mga nakatalaga ring POSO enforcers sa bawat kalsada na dapat mabantayan ng mabuti at matutukan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments