𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗢𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔

Inaasahan ang dagsa ng mga manunuod sa naturang street party kahit pa mainit ang panahon dahil isa ito sa inaabangang kaganapan sa Bangus Festival taon-taon.

Inaabangan ng mga manunuod ang Kalutan ed Baley maging ang mga performances mula sa mga inimbitahang local artists kung saan magpeperform sa bawat stages sa bahagi ng De Venecia Rd.

Nakahanda na rin ang lahat ng kakailanganin at mga aktibidad na isasagawa bukas para sa gaganaping Bangusan Street Party.

Samantala, nakahanda na rin ang security force para sa pagbabantay ng seguridad at kaligtasan sa paggaganapan ng naturang street party maging ang POSO Dagupan ay nakahanda na rin sa pagbababantay sa daloy ng trapiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments