𝗔𝗕𝗢𝗧 𝟭𝟵,𝟬𝟬𝟬 𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗬

Lubos ang pananabik ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 1 sa mga social media announcements nito ukol sa mga job fairs na magkakasabay na gaganapin sa iba’t-ibang bayan at lalawigan sa unang rehiyon.

Abot 19,000 job opportunities ang maaaring pagpilian ng mga job seekers sa darating na May 1 bilang paggunita sa Labor Day. Kabilang sa mga venue ng simultaneous job fair ay gaganapin sa Pangasinan PESO Capitol Complex at ilang malls sa Pangasinan.

Ilan sa mga maaaring pagpilian ng mga job seekers ay oportunidad mula sa transport sector, offshore outsourcing sector at job vacancies sa mga business establishments.

Kaugnay nito, hinihikayat ng DOLE Ilocos Region na mag pre-register at makiisa sa simultaneous job fair nang maging sunod HOTS o hired on the spot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments