Umaasa ngayon ang mga konsyumer na magtutuloy tuloy nararanasang pagbaba ng presyo ng biga ngayon sa lalawigan kung saan bumaba sa dalawang piso hanggang tatlong pisong ang kada kilo.
Aminado umano ang mga konsyumer na pahirapan sila sa pagbili ng produktong bigas lalo ang locally produced dahil sa taas ng presyo nito nitong mga nakaraang buwan.
Laking pasasalamat ng mga ito sa pagbaba ng presyo kahit nasa dalawang piso hanggang tatlong piso lamang, ang importante umano sa mga mamimili ay bumaba ito at hiling na lamang ang patuloy pang pagbaba sa mas abot kayang halaga.
Samantala, sa inilabas naman na datos ng Department of Agriculture Ilocos region para sa farmgate price ng palay nitong nakalipas na linggo, nasa bente otso pesos hanggang trenta pesos ang kada kilo ng tuyong palay habang nasa bente tres pesos hanggang bente syete pesos ang kada kilo ang basang palay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨