𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Ilalapit na sa mga barangay ang mga nakatakdang libreng serbisyo na siyang nakatakdang isagawa ng lokal na pamahalaan ng Manaoag laan para sa kanilang mga nasasakupan.

Sinimulan na ng kawani mula sa Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang pag-iikot sa mga barangay sa naturang bayan para naman ihayag sa mga residente ang mga serbisyong hatid ng kanilang lokal na pamahalaan para sa taong 2024.

Isa sa mga nakatakdang aktibidad na mapakikikinabangan ng mga Manaoageno ay ang mga feeding programs, medical services, at marami pang iba.

Nauna nang naikutan para sa naturang pagtalakay ng mga aktibidad ang mga barangay ng Inamotan, Baguinay, Matulong, Mermer, San Ramon, Parian, Oraan East & West, Leleman, Sta.Ines, Tebuel, Nalsian, Pantal, Pao, Lipit Sur, Lipit Norte, Sapang, Calaocan at Licsi.

Samantala, kasama rin sa naturang paglilibot para sa pagtalakay ng mga nakatakdang aktibidad ang mismong alkalde ng bayan ng Manaoag kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments