Aminado ang mga magsasaka sa Bugallon, Pangasinan na hirap din sila ngayon sa pagtatanim dahil sa nararanasang el nino phenomenon.
Ayon kay Federation of Dumuloc River Irrigation System President Cesar Boquiren, bagamat may sakit pa rin umano ang iba nilang lupang sinasaka ay may solusyon naman dito gaya ng paglalagay ng mga pampataba at mga dumi ng manok para buhayin muli ang lupa.
Halos lahat rin naman umano ng mga magsasaka ay kinakapos ngayon dahil sa nararanasang epekto ng tagtuyot.
May iba pa rin umano sa magsasaka ang sumusubok na mag-3rd crop dahil pinamahagian naman sila ngayon ng sapat na water pumps mula sa tanggapan ng National Irrigation Administration.
Sa ngayon, kumonti umano ang patubig kung kaya’t malaking bahagi ang mga water pumps para magamit ng mga magsasaka para sa kanilang mga lupang pansaka. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨