Inatake kamakailan ng fall army worms ang ilang manggahan sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa United Pangasinan Mango Farmers.
Ilang bahagi sa lalawigan ang tinamaan ng nasabing peste, tulad na lamang sa bayan ng Mangaldan, Calasiao, San Fabian, Agno, maging sa lungsod ng San Carlos at Alaminos.
Ayon sa United Pangasinan Mango Farmers, madalas na umaatake ang mga nasabing peste kung hindi nagkakaroon ng sapat na maintenance sa mga ito.
Gayunpaman, nagsasagawa ng hakbang ang ilang mga mango owners upang hindi mapinsala ang bunga ng kanilang mga pananim. Ang iba, binabalot ang mga bunga nang isa-isa upang hindi agad pestehin. At, inisprayan ito ng mga pesticides.
Ayon naman sa Provincial Agricultural Office, mabilis ang pagkalat ng nasabing peste sa tuwing tag-init. Sa ngayon, inaalam pa kung magkano ang kabuuang pinsala ng nasabing peste. |πππ’π£ππ¬π¨