𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚

Nakatakdang mabigyan ng trabaho ang mga mangingisda sa bayan ng San Fabian matapos sumailalim ang mga ito sa TUPAD profiling ng programa.

Maging benepisyaryo ang mga ito ng cash payout pagkatapos magampanan ang sampung araw na pagtatrabaho sa kani-kanilang komunidad.

Naging posible ang naturang programa sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng 4th District Representative Congressman sa lokal na pamahalaan ng bayan at sa ahensyang DOLE.

Samantala, ang programang TUPAD ay patuloy na umaarangkada sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan na may layong makatulong sa mga kapos palad at humaharap ngayon sa krisis na mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments