𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗬-𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗞𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗡𝗟𝗢𝗖, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗜𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Muling pinakiusapan sa naganap na public consultation kasama ang alkalde ng Dagupan City ang mga may-ari ng mga iligal na istruktura na nakatirik sa tabing dagat sa bahagi ng Bonuan Binloc.

Ito ay may kaugnayan sa programang panturismo ng lungsod kung saan gagamitin ang ilang bahagi ng naturang lugar para sa pagpapatayo ng mga proyektong makatutulong sa turismo ng lungsod.

Kasama sa naganap na pag uusap ang ilang kawani mula sa DENR-CENRO, City Legal officer, City Engineering Office, Bonuan Binloc Barangay Council at mga may-ari ng mga iligal na istraktura sa naturang lugar.

Nakaantabay rin sa naturang pag-uusap ang hanay ng Dagupan City PNP para seguridad at kaligtasan ng mga dumalo sa naturang consultation.

Ang pagpapakiusap na ito ng lokal na gobyerno ay bahagi ng seryoso nitong hakbang lalo na at kapansin-pansin na umano sa naturang lugar ang pagdami ng mga itinatayong istruktura na un-authorized gaya ng mga negosyo na walang abiso.

Isa din sa layon ng LGU ang pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng maayos sa naturang lugar para sa turismo at maipalam din sa mga residenteng apektado nito ang pagsasakatuparan ng batas na dapat lang sundin at malaman nang sa gayon ay masolusyunan ang naturang problema. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments