𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧

Apektado na rin, sa ngayon, ang ilang mga ibinebentang gulay sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan, dahilan pa rin ng mainit na panahon.

Ayon sa mga nagtitinda, malaking hamon sa kanila ang mabilis na pagkasira o di naman ay pagkalanta ng kanilang mga ibinebenta.

Ayon naman sa ilang mga nagtatanim ng gulay sa bayan ng Sta. Barbara, ang ilan sa tanim nila ay nabubulok na o di naman ay inuuod o inaatake na ng mga peste. Kaya naman, upang mapakinabangan pa ay ipinapakain na lamang nila ito sa mga alagang hayop.

Ayon naman sa Pangasinan Provincial Agriculturist, inaalam pa ngayon ang kabuuan ng pinsalang dulot ng el niño sa sektor ng agrikultura sa lalawigan. Dagdag pa nila na maigi nilang minomonitor ang mga taniman sa lalawigan at gumagawa ng hakbang para magkaroon o maisaayos ang irrigated areas.

Payo naman ng awtoridad na magtanim na ng maaga ngayon dahil inaasahan na mas matindi ang pinsalang hatid ng la niña. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments