𝗔𝗗𝗝𝗨𝗦𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗛𝗢𝗨𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Nakatakdang ipatupad sa bayan ng San Fabian ang adjusted school hours kaugnay pa Rin ng magkakasunod na mataas na heat index na naitatala sa lalawigan.

Sa Executive order na inilabas ni San Fabian Mayor Marlyn Agbayani, mag-umpisa ang klase ang mula alas siyete ng umaga hanggang alas onse ng tanghali.

Samantala, shift naman sa modular distance learning ang mga klase sa hapon sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa San Fabian.

Ang nasabing kautusan ay epektibo sana nitong lunes, April 8 bago nagdeklara ang DepEd ng asynchronous suspension ng face-to-face classes kayat inaasahang maipatupad itong umpisa ngayong Huwebes, Abril 11. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments