
β
βCauayan City – Ibinahagi ng Cauayan City Parole and Probation Office ang kanilang mga programa para sa taong 2026.
β
βAyon kay Mr. Pedro Almeda, Head ng Parole and Probation Office sa Lungsod, mayroon umanong mandataroy program ang kanilang opisina kung saan isinasagaw nila ito buwan-buwan.
β
βBukod dito, may mga tree planting activities ding isinasagawa para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) bilang patuloy na pakikilahok sa komunidad.
β
βBinigyang linaw din ni Mr. Almeda ang pinagkaiba ng probation at parole kung saan ang probation ay mga nasentensyahan ng mga hindi humigit anim na taon, habang ang parole naman ay mga nasentensyahan na nayroong minimum at maximum sentence.
β
ββMaliban dito, sinabi rin nito na ilan sa mga kasong maaaring mabigyan ng probation ay ang kaso ng theft, slight physical injury, at iba pa basta hindi hihigit ng anim na taon ang sentensya.
β
βAyon pa sa kanilang opisina, mayroon din silang sinusunod na criteria upang mabigyan ang isang PDL ng parole or probation.
β
ββSamantala, sinabi rin ni Almeda na isang beses lamang ibinibigay ang probation subalit maaaring maulit na ibigay ang parole.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










