𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜; 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗔𝗬𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗛𝗨𝗥𝗛 𝗚𝗢𝗘𝗥𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞

Tatlong araw na lang muli nang magsisimula ang isa sa inaatendihan ng mga Katoliko tuwing sumasapit ang kapaskuhan ang simbang gabi o Misa de Gallo.
Magsisimula ang nakagawian ng mga Pilipino na Simbang Gabi sa ika-16 ng Disyembre at magtatagal hanggang ika-24 ng gabi ng buwan kung saan siyam na araw itong isinasagawa taun-taon.
Ang ibang Katoliko ay nagsasagawa ng misa tuwing gabi sa nabanggit na petsa at ang iba naman ay sa madaling araw ginaganap.

Dahil dito naghahanda na rin ang pamunuan ng mga simbahang katoliko sa Pangasinan ukol sa dagsa ng mga magsisimba sa bawat simbahan.
Nakaantabay naman ang mga kawani ng simbahan upang siguruhin ang seguridad ng mga dadalo sa misa.
Taon-taon ding nagdedeploy ang kapulisan sa bawat simbahan ng mga pulis upang bantayan ang mga taong magpupunta sa simbahan.
Pinapayuhan ang publiko ng simbahan na pumunta sa simbahan upang alalahanin ang tunay na diwa ng misa at hindi para gawing tagpuan lamang para makapag-liwaliw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments