𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗡𝗚𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗚𝗜𝗡𝗛𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗧𝗜

Magiging benepisyaryo ang mga Solo Parents sa Dagupan City ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang si Senator Bong Go ng nasyonal na gobyerno.
Nasa pitumpu o 70 Solo Parents na mula sa iba’t-ibang Barangay sa lungsod ang benepisyaryo ng nasabing programa.
Nakatakdang makatanggap ang mga ito ng sari – sari store kits na may layong matulungan ang mga ito sa pinansyal na aspeto upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Samantala, nauna nang tumanggap ang unang batch ng Solo Parents ng tulong Pangkabuhayan at sa kasalukuyan ay operational na ang mga ito partikular sa pamosong pasyalan sa lungsod – sa Bonuan Tondaligan Beach. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments