𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 ₱𝟯𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Umaabot sa mahigit ₱300,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang sinasabing kabilang sa mga high value target drug personality sa Urdaneta City.

Kinilala ang mga suspek na sina Kenneth Garcia at Mary Grace Sandoval.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas otso ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng umaabot sa limampung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000 kasama pa ang sinasabing weighing scale.

Inihahanda na ngayon ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments