𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗕𝗧𝗤𝗜𝗔+, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜 𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang bente-tres anyos na miyembro ng LGBTQIA+ community, matapos umanong magbigti sa San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, wala umanong sumasagot nang katukin ng lola ng biktima ang kwarto nito. Dahil dito, Agad nitong ipinasuyo sa kanyang babaeng apo na akyatin na ang bintana ng kwarto nito.

Dito na bumulagta sa kaanak ang nakasabit na katawan gamit ang isang cable wire na nakatali sa kanyang leeg.

Bago pa ang insidente, napansin nang nakararanas ng depresyon ang lalaki matapos umano ang pag-aaway nila ng kanyang kasintahan.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Tumangging ipasailalim sa autopsy examination ang katawan dahil kumbinsido ang pamilya na nagpakamatay ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments