𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗨

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng mobile blood donation drive ang apat na campuses ng Isabela State University sa darating na ika-25 ng Agosto taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pangangasiwaan ng 202nd Community Defense Center at Isabela State University Main Campus katuwang ang Philippine Red Cross Isabela Chapter at Santiago City Chapter, at 5th Infantry “Star” Division.

Gaganapin ang nasabing blood donation drive sa ISU Cabagan, ISU Echague, ISU Cauayan, at ISU Ilagan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.


Samantala, inaanyayahan naman ang lahat ng nais mag-donate ng dugo na makiisa sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments