𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗖 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Kasalukuyang umaarangkada sa Urdaneta City ang tanggapan ng Professional Regulation Commission Regional Office 1 upang isagawa ang Mobile Services nito.

Ilan sa mga serbisyo na maaaring maisagawa ng publiko ay Initial Registration, Processing of PIC o Professional Identification Card Renewal and Duplication, Exam Application, Stateboard Verification, maging ang Application for Certifications and Authentications at iba pa.

Nagsisilbing patunay sa accessibility at public service ng PRC Ilocos Region ang naturang aktibidad. Sa paraang ito, sinisiguro ng tanggapan na mabisa, mabilis at accessible sa publiko ang mga serbisyong hatid ng tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments