𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝗞 𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗘𝗚𝗔 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡

Kasalukuyang isinasagawa ang Pangasinan Mega Job Fair Caravan ngayong araw ng Biyernes, May 24, 2024.

Hatid nito ang nasa limang libong mga job opportunities mula sa limampu’t local and international employers.

Inihanda ang naturang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, PESO – Urdaneta City at Department of Labor and Employment o DOLE Eastern Pangasinan Field Office at tanggapan ng mall.

Kabilang ang pagbubukas ng job opportunities sa tinututukan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan na may layong mabigyan ng mga trabaho ang mga Pangasinenses at maiangat ang pamamaraan ng kanilang pamumuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments