𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗥𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡-𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔

Inilunsad ng isang bus company sa Dagupan City ang labing apat na unit ng minibus na modernized public utility vehicle na may rutang Dagupan-Bolinao.

Ayon kay LTFRB Region 1 Regional Director Atty. Anabel Marzan-Nullar, kabilang ang nasabing Ruta sa inaprubahang Local Public Transport Route Plan ng Pangasinan.

Ito ang pinakaunang inilunsad ng tanggapan sa nasabing ruta na maari pang madagdagan.

Ikinatuwa naman ng mga commuter ang karagdagang pampublikong sasakyan patungo sa Bolinao dahil mas napadali umano ang byahe.

3:30Am ang first trip ng nasabing PUV sa Dagupan at 4AM naman mula sa Bolinao habang ang last trip mula sa lungsod ay 8PM at 6PM mula sa Bolinao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments