𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗣𝗢𝗟𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Puspusan ang isinasagawang pagsita at paghuli ng mga opisyal ng Tagaran sa mga motorsiklong iligal na nakaparada sa kanilang pambansang lansangan sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng IFM News Team Kagawad Daniel Acob, mahigit labing dalawang (12) motorsiklo ang nahuli nila kung saan karamihan dito ay mga estudyante.

Aniya, nagbibigay muna sila ng babala sa mga motorista at sa susunod na mahuli ito ay papatawan ng parusa na limang daang piso na babayaran sa POSD Office.


Sinabi pa nito, na malaking abala ang mga motorsiklo na ito dahil nakakapagdulot ito ng disgrasya at nagiging rason ng trapiko.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang isasagawang operasyon ng mga opisyal ng Tagaran katuwang ang mga tauhan ng Public Order and Safety Division at Barangay Police.

Facebook Comments